Davao oriental muling niyanig ng lindol

0
56

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang ilang bahagi ng Davao Oriental kagabi.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro nito sa layong 21 kilometro sa timog silangan ng bayan ng Baganga.

Sinasabing tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 35 kilometro.

Naramdaman din ang intensity 3 sa mga bayan ng Manay at Caraga.

Wala namang ini-ulat na pinsala at wala ring inaasahang aftershocks sa naturang pagyanig.