Isang lalake patay matapos pagbabarilin sa Laguna

0
43

Nasawi ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng apat na armadong lalaki sa Barangay Sta. Magdalena, San Pablo, Laguna.

Kinilala ang biktima na si Gener Amante, 45 taong gulang, at pamangkin ng dating alkalde ng San Pablo na si Vicente Amante.

Sa imbestigasyon, nakatambay lamang sa labas ng kanilang bahay ang biktima nang may humintong SUV at bigla itong pinaulanan ng bala.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Gener.

Napag-alaman na si Vicente ay nakasama sa “narco-list” ni Pangulong Rodrigo Duterte noong August 2016 pero itinanggi ito ng dating alkalde.