Trillanes tiniyak na dudurugin ang testimonya ni alias ‘Bikoy’

0
50

Tiniyak ni dating senador Antonio Trillanes na dudurugin nila ang anumang testimonya ni Peter Advincula alias ‘Bikoy’.

Ito anya ay sakaling mai akyat sa korte ang alegasyon ni Bikoy na siya at ang iba pa sa oposisyon ang nasa likod ng “Ang Totoong Narco List Videos” kung saan inaakusahan ni Bikoy ang pamilya Duterte na sangkot sa illegal drugs.

Iprinisinta ni Trillanes sa media ang mga sinumpaang salaysay ni Bikoy at videos ng kanyang pagsasalaysay sa mga miyembro ng religious groups na kumupkop sa kanya.

“Ganyan yung story niya, diba? And we have it, all record and this is not the only recording na meron. Alam niya yan. So nakita niyo yung turn around. So hindi yung sinasabi niya yon na lahat ito ay isinusubo sa kanya, script, lahat, gawa gawa ng oposisyon… maliwanag dito sa video na ito. Sabi ko nga, our lawyers will have a feel day with this guy, dudurugin ang testimonya niya na ito kung aabot ito sa korte.”

 

(with report from Cely Ortega-Bueno)