Isang pathologist kinontra ang findings ng PAO kaugnay sa dengvaxia

0
44

Kinontra ng isang pathologist ang findings ng Public Attorney’s Office (PAO) hinggil sa dahilan ng pagkamatay ng isang daang bata na nabakunahan ng anti-dengue vaccine na dengvaxia.

Sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability, sinabi ni Dr. Reymundo Lo na walang basehan ang ginawang pagsusuri ni Dr. Erwin Erfe ng PAO.

Ayon kay Lo, kulang ang training ng PAO para magkaroon ng matibay na konklusyon sa mga kasong ito.

Sinabi rin nito na maaring may ibang sakit ang mga namatay na biktima na siyang dahilan nang pagkamatay ng mga ito.

Batay sa naturang findings ng PAO, nakasaas na ang dengvaxia vaccine ang dahilan ng pagmatay ng mahigit isang daang batay na-autopsy ng mga eksperto ng PAO.