Mga bagong sandata ng PH Navy walang planong ipadala sa West PH Sea

0
44

Nilinaw ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na walang plano ang gobyerno na ipadala sa West Philippine Sea ang mga bagong bilang multipurpose attack craft ng Philippine Navy (PN).

Sa pangunguna ni Lorenzana ay iprinisinta sa publiko ang mga de kalibreng sandata ng militar na nabili ng pamahalaan mula sa Israel.

Ayon sa kalihim, hindi mag papadalos dalos ang PN sa pag gamit ng bagong missile system na ito.

Batay sa inisyal na plano ng militar, nakatakdang ipadala ang mga bagong sandata sa Mindanao upang gamiting panlaban sa mga pirata at teroristang tumatawid sa karagatan ng Sulu.

Matatandaang, nagkaroon ng problema noon ang PN matapos silang harangin ng Chinese Coast Guard habang nagre-resupply ang mga ito sa mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre, sa Ayungin Shoal.