Saturday, May 18, 2024

PH hangad umano magkaroon ng ‘strategic and comprehensive relationship’ sa China — Arroyo

- Advertisement -

Hangad umano ng Pilipinas na magkaroon ng ‘strategic and comprehensive relationship’ sa China sa gitna ng umiiral na agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito ang naging pahayag ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, matapos makipagpulong kahapon kay Chinese President Xi Jinping sa lungsod ng Taguig kasama ang ilang leader ng Senado at Kamara.

Sinabi ni Arroyo na prayoridad ng Pilipinas ang magandang relasyon sa mga kalapit na bansa.

Paliwanag pa nito na sa nakalipas na apatnapung taon ay ipinakita ng tsina ang mabilis nitong economic growth, at tiyak na magiging maganda umano ang resulta nito sa bansa.

Samantala, nagpasalamat naman si Arroyo sa pangulo ng Tsina dahil sa pakikipag-partner nito sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga bilateral deal na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -