Isang pasahero na nasawi sa nagliyab na eroplano sa NAIA nakilala na

Isang pasahero na nasawi sa nagliyab na eroplano sa NAIA nakilala na

by Powered by DWIZ
42 views

Nakilala na ang isa sa mga pasaherong nasawi matapos na magliyab ang isang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Batay sa impormasyong inilabas ng Manila Public Information Office, ipinabatid ni Pamantasang Lungsod ng Maynila President Noel Leyco na lulan ng naturang eroplano si Dr. Nicko Bautista na alumnus ng nasabing pamantasan.

Naganap ang naturang insidente, pasado 8:00 kagabi kung saan patungo sanang Japan ang nasabing aircraft para sa isang medical evacuation mission.

0 comment

Related Posts