Balitang papalawigin ang ECQ, walang katotohanan — Nograles

Balitang papalawigin ang ECQ, walang katotohanan — Nograles

by Powered by DWIZ
43 views

Pinabulaanan ng Malacañang ang ulat na palalawigin pa ng pamahalaan ang umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.

Ito ang naging paglilinaw ni Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles na siya ring tagapagsalita ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) kung saan wala aniyang katotohanan ang mga kumakalat na balita sa social media na palalawigin ng pamahalaan ang nasabing quarantine kung saan magkakaroon din ng military take-over.

Sinabi ni Nograles na ‘fake news’ ang ulat na magkakaroon ng military take over dahil ipinatutupad lamang aniya ang ECQ upang malimitahan ang paggalaw ng mga tao nang hindi na tumaas pa ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Gayunman, sinabi naman ni Nograles na masyado pang maaga para pag-usapan ang extension ng umiiral na enhanced community quarantine dahil araw-araw namang nagsasagawa ng assessment ang IATF tungkol dito, upang matiyak kung dapat pa itong palawigin o hindi.

0 comment

Related Posts