Grab mart inilunsad ng Grab Philippines sa gitna ng umiiral na ECQ

Grab mart inilunsad ng Grab Philippines sa gitna ng umiiral na ECQ

by Powered by DWIZ
50 views

Inilunsad ng Grab Philippines ang Grab Mart upang matulungan ang publiko sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Batay sa pahayag ng Grab, maari nang magpa-deliver ng food package, personal care items ang kanilang mga customer sa pamamagitan ng kanilang bagong programa.

Maaring ma-avail ng publiko ang naturang serbisyo mula 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng madaling araw.

Sa pahayag ng Grab, aabot sa P120 ang halaga ng delivery fee para sa Grab Mart.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng Grab ang kanilang mga customers na pairalin pa rin naman ang social distancing para sa kaligtasan ng kanilang mga riders.

0 comment

Related Posts