30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Isang opisyal ng PBF pumanaw na dahil sa COVID-19

- Advertisement -

Pumanaw na si Alexander Lim na isa sa mga opisyal ng Philippine Bowling Federation (PBF) dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Inihayag itong malungkot na balita sa pamamagitan ng facebook account ni Steve Robles na presidente ng PBF.

Ang 61-taong-gulang na haligi ng bowling, treasurer, at trustee ng PBF ay sumakabilang buhay matapos ang mahigit dalawang linggo nitong pakikipaglaban sa COVID-19.

Kaagad namang nag-alay ng dasal at pasasalamat ang mga kaibigan ni Lim, mga miyembro ng national team, maging kapwa nito bowling offcials.

Ayon naman kay Bong Coo na kapwa nito bowling icon, malaking kawalan aniya si Lim sa bowling community at ang hindi nito matatawarang kontribusyon.

Samantala, nagluluksa rin ang Philippine Sports Commission (PSC) bunsod ng biglaang pagpanaw ni Lim.

Sa panulat ni Ace Cruz.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -