Grupong BAYAN pinuna ang banta ni Duterte sa mga kritiko nito

0
15

Pinuna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) si Pangulong Rodrigo Duterte sa banta nito kontra maka-kaliwang grupo.

Sa opisyal na pahayag ni BAYAN Secretary-General Renato Reyes, sinabi nito na hindi solusyon ang pagpatay o pag-aresto sa mga kritiko nito, dahil mayroon daw mas malaking problema tulad ng pagkalam ng tiyan ng milyon-milyong Pilipino, kakulangan sa serbisyong pangkalusugan at iba pa.

Ito matapos na arestuhin ng mga awtoridad ang ilang nagkilos protesta sa Quezon City para ipanawagan na mabigyan sila ng tulong mula sa gobyerno.

Sa televised address kasi ng Pangulo, binalaan nito ang mga komunistang grupo dahil sa panggugulo at pagkilos protesta sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Dagdag pa ng Pangulo, hindi raw siya magdadalawang isip na patayin ang mga ito.

Samantala, pinasinungalingan naman ni Reyes ang alegasyon ng Pangulo na parte ng makakaliwang grupo ang mga nagkilos protesta at sa halip ito raw ay mga nagugutom lamang dahil sa mabagal na aksyon ng gobyerno.

Sa panulat ni Ace Cruz.