33.2 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Isang mambabatas kinondena ang mga patakaran ng DSWD bago makakuha ng cash subsidy

- Advertisement -

Kinondena ng isang mambabatas ang ‘tila sagabal at maraming patakarang pinaiiral ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) para sa cash subsidy ng pamahalaan.

Ayon kay Deputy Speaker Luis Raymund ‘Lray’ Villafuerte, nagdulot kasi ito ng delay o pagka-balam sa pamamahagi ng tulong pinansiyal para sa pinakamahihirap na sektor.

Aniya, kailangang-kailangan na kasing matanggap ng mga mamamayan ang tulong pinansiyal mula sa pamahalaan lalo na’t marami ang naapektuhan ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Sinabi ni Villafuerte, mistula kasing hindi apurado ang DSWD sa pamamahagi ng 5,000 hanggang 8,000 pisong tulong na inaasahang umpisahang ipamahagi, kahapon.

Una rito, nabigo aniya ang DSWD na ibigay ang kaukulang dokumento sa mga local government units (LGU) para makuha na ang memorandum of agreement (MOA) na kailangan sa pamamahagi ng ayuda.

Kaugnay nito, sinabi pa ng mambabatas na kadududa-duda ring ipagkakatiwala na lamang ang financial assistance sa mga punong barangay dahil malaki aniya ang tsansa na mamili lamang ito ng pamilyang bibigyan ng ayuda.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -