31.7 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Spain mahigit 800 na

- Advertisement -

Sumampa na sa 864 ang bilang ng mga nasawi sa Spain dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa loob lamang ng nakalipas na 24 oras.

Batay sa ulat, naitala sa Spain ang ikalawang pinakamataas na death toll sa buong mundo matapos na maitala ang 9, 503 bilang ng mga nasawi sa nasabing bansa.

Kaugnay nito, sumampa na sa 102,000 ang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa Spain.

Gayunman, nabatid namang bumaba na ang infection rate ng virus sa bansa matapos maitala ang 8% pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Spain, mula sa dating 11%.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -