101 taong gulang magaling na sa COVID-19 sa Netherlands

0
20

Nabuhayan ng pag-asa ang mga healthworkers matapos na maka-recover sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang 101 taong gulang na pasyente mula sa Netherlands.

Batay sa ulat, isang 101 years old na COVID-19 positive patient ang tuluyang gumaling sa COVID-19 at nakalabas na ng ospital.

Ayon kay Sunil Ramlal, pulmonologist sa Iljsselland Hospital, pansamantala munang ika-quarantine ang nasabing pasyente sa isang nursing home bago ito tuluyan payagang makauwi sa kanilang tahanan.