6 katao patay sa banggaan sa Antipolo City

0
48

Patay ang anim katao matapos magbanggaan ang isang trak at jeep sa Sumulong Highway, Antipolo City.

Maliban sa mga nasawi, dinala rin sa ospital ang apat na sugatan na wala pang pagkakakilanlan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng preno ang 10-wheeler truck hanggang sa makaladkad nito ang isang jeep bago bumangga sa poste.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang insidente.