Isang lalake patay habang bumoboto sa Davao City

0
41

Patay ang isang lalaki habang bumoboto sa Davao City.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Eduardo Bilauro, 50 anyos na bumoboto sa Matina Pangi Elementary School.

Batay sa ulat, nakaupo at nagmamarka ng mga ibobotong kandidato si Bilauro nang bigla na lamang nitong mabitiwan ang hawak na marker at matumba sa kinauupuan.

Agad namang nirescue si Bilauro ng medical team ngunit idineklara na itong dead on the spot nang suriin ng doktor.

Ayon sa pamilya ni Bilauro, may sakit sa puso ang kanilang kaanak na posible umanong dahil sa init ng panahon kaya’t sinapit niya ito.