Robredo aminadong kinakabahan sa resulta ng eleksyon ngayong taon

0
42

Inamin ni Vice President Leni Robredo na mas kabado siya sa resulta ng eleksyon ngayong taon kumpara noong 2016 elections.

Ayon kay Robredo, talamak kasi ngayon ang vote buying sa iba’t ibang panig ng bansa na kaniyang pinangangambahang posibleng nakaapekto sa pagboto ng mga Pilipino.

Gayunman, umaasa ang pangalawang pangulo na naging matalino pa rin ang mga botante sa pagpili ng kanilang ibinotong kandidato.