Accreditation ng Wellmed Dialysis Center binawi na ng Philhealth

0
54

Binawi na ng Philhealth ang akreditasyon ng Wellmed Dialysis Center matapos nitong masangkot sa ma-anomalyang Ghost Dialysis Scam.

Ayon sa Philhealth, ang “Accreditation” ay isang pribilehiyong ibinibigay sa mga nararapat na institusyon upang maging bahagi ito sa National Health Insurance Program.

Paliwanag pa ng Philhealth, maari nilang bawiin ang Accreditation ng anumang institusyon sa oras na mapatunayang hindi maayos ang kapasidad at integridad ng isang Health Center o Clinic.

Una rito, ipinabatid rin ng Philhealth at NBI na mahaba pa ang itatakbo ng proseso sa imbestigasyon kaugnay sa Ghost Dialysis Patient Scam.