Friday, May 17, 2024

Isang hukom sa Thailand binaril ang sarili sa loob ng korte

- Advertisement -

Kasalukuyang nagpapagaling ngayon sa isang ospital ang isang hukom sa Thailand matapos barilin ang kanyang sarili sa loob mismo ng Korte.

Kinilala ang judge na si Kanakom Pianchana na isang judge sa Yala Court Thailand.

Binaril nito ang kanyang sarili matapos magtalumpati kaugnay sa sistema ng hudikatura sa kanilang bansa dahil sa pagpapawalang sala ng ilang mga suspek sa murder.

Ayon sa tagapagsaliya ng office of the judiciary na si Suriyan Hongvilai, kasalukuyang ginagamot na si Pianchana at malayo na ito sa kapahamakan.

Samantala, pinaniniwalaan naman ng hukom, na tangka nitong patayin ang sariling buhay dahil sa umano’y pagingialam sa kasong murder na kanyang hinahawakan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -