29.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Ilang Senador ikinagalit ang pag-imbestiga ng PACC kay Robredo

- Advertisement -

Ikinagalit ng mga opposition senators na sina Senator Franklin Drilon, Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros ang paghikayat ni Presidential Anti-Corruption Commission – Commissioner (PACC) Atty. Many Luna na pag-imbestiga ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon sa mga Senador, hindi krimen ang ginagawang pagtulong ng Bise Presidente sa mga pamilya na labis na nahihirapan dahil sa krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Iginiit pa ng mga ito na hindi krimen ang paghanap ng resources ni Robredo para matulungan ang mga health workers sa bansa na nangunguna sa gyera kontra COVID-19.

Samantala, nandigan ang tatlo na hindi dapat ito politikahin, haluan ng inggit at gawing kompetisyon ang pagtulong sa kapwa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -