Interagency database inihahanda para sa mga foreign workers sa bansa

0
54

Inihahanda na ng pamahalaan ang isang interagency database para sa mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa.

Batay sa pahayag na inilabas ng Department of Finance, sinabi nito na inaayos na ng DOLE o Department of Labor and Employment at BIR o Bureau of Internal Revenue ang ilalabas na joint memorandum circular para sa pagbuo ng nasabing database.

Una rito, sinabi naman ni Finance Sec. Carlos Dominguez III na sisimulan na ng pamahalaan na maningil ng tamang buwis sa mga dayuhang naghahanap buhay sa bansa.

Dahil dito, inaasahang kumita ang pamahalaan ng dalawang bilyong piso kada buwan mula sa buwis na masisingil sa mga dayuhang manggagawa.

Target naman ng pamahalaan na makalikom ng 32 bilyong pisong annual income tax mula sa foreign nationals na nagtatrabaho sa Philippine online gaming operations.

Samantala, aabot naman sa 15,000 foreign nationals ang nagtatrabaho sa iba’t-ibang panig ng bansa.