Sinalakay ng mga otoridad ang isang gym sa Quezon City dahil sa patuloy na pag-ooperate nito sa kabila ng umiiral ng general community quarantine (GCQ) sa buong Metro Manila.
Kaugnay ito ng ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Task Force Disiplina na pinangunahan ni Rodolfo Leyco Jr. kung saan naaktuhan pa nilang nag-wowork out ang nasa 12 katao ng wala man lang suot na face masks.
Dahil dito, agad namang dinala ng mga otoridad sa prisinto ang mga naaktuhang nag-wowork out kung saan mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag Republic Act 13332 o ang mandatory reporting of notifiable diseases and health of public health concern act.
Matatandaang, ipinagpaliban muna ang pagbabalik operasyon ng mga gym sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng buwan ng Agosto.