Isang drug rehabilitation center sa Valenzuela City ginawa munang COVID-19 isolation facility

0
32

Pansamantala munang ginawang coronavirus disease 2019 (COVID-19) isolation facility ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City ang isang drug rehabilitation center sa lungsod.

Batay sa report, aabot sa 70 pasyente ang maaring mabigyan ng atensyong medikal sa ‘Balai Banyuhay’ sa Valenzuela.

Ayon kay Zyan Caina, pinuno ng Valenzuela Public Information Office, pansamantala munang magsisilbing central isolation facility ang Balai Banyuhay para sa lungsod.

Sa nasabing pasilidad aniya dadalhin ang mga asymptomatic COVID-19 patients, at mga persons under investigation (PUI).

Kaugnay nito, magsisilbi rin namang isolatiom facility para sa mga PUI’s at asymptomatic COVID-19 patients ang Valenzuela Astrodome.

Sa ngayon, nananatili sa 50 ang kaso ng COVID-19 sa Valenzuela kung saan nasa lima ang bilang ng mga nasawi at apat na ang mga nakarekober sa sakit.