Chinese General Hospital itinalaga bilang COVID-19 testing facility

0
20

Itinalaga na ng Department of Health (DOH) ang Chinese General Hospital bilang isang coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing facility.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang ang Chinese General Hospital sa 17 COVID-19 laboratories na maaring magsagawa ng COVID-19 testing.

Sinabi naman ni Vergeire na nasa 47 ospital pa sa ngayon ang isinasailalim sa certification process upang makapagsagawa rin ng mga pagsusuri.

Dahil dito, inaasahan namang tumaas pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa paglawak ng testing capacity ng Pilipinas.