Desisyon para sa temporary release ng mga low level offenders dahil sa COVID-19 outbreak hindi hawak ng BJMP

0
18

Hindi hawak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang desisyon para sa panawagang temporary release ng mga low level offenders sa gitna ng dumaraming kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Ayon kay BJMP Xavier Solda, dapat pa ring pairalin ang hustisya sa bansa sa kabila ng pandemyang COVID-19.

Aniya, nasa Korte pa rin ang desisyon para sa pagpapalaya ng mga preso upang ma-decongest ang mga kulungan, upang hindi na rin kumalat pa ang virus.

Una rito, nanawagan ang grupong kapatid sa mga otoridad para sa ‘mass release’ ng mga low-level offenders, gaya na lamang anila ng naging hakbang ng bansang Iran kung saan pansamantalang pinakawalan ang nasa 85,000 preso.

Gayunman, nanindigan naman si Solda na mahigpit na ang pagtitiyak ng BJMP sa kalusagan at kaligtasan ng mga preso.