Isa patay sa paglubog ng bangka sa Masbate

0
52

Isa ang kumpirmadong nasawi sa paglubog ng isang motor banca sa bahagi ng Sombrero Island sa lalawigan ng Masbate.

Ayon kay Capt. Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, aabot sa 30 pasahero at anim na tripulante ang sakay ng M/B Princess Dona na nag-i-island hopping bago mangyari ang insidente.

Dakong 10:30 kaninang umaga ayon kay Balilo nang makatanggap sila ng ulat mula sa kanilang unit hinggil sa insidente na agad rumesponde katuwang ang puwersa ng pulisya.

Agad namang dinala sa Sitio Mayantoc, Barangay Talisay sa Bayan ng San Andres, lalawigan ng Quezon ang may 35 nakaligtas habang dinala sa ospital ang batang nasawi.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nangyaring insidente.