30.2 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Isa Patay, Anim Augatan Sa Karambola Ng Mga Sasakyan Sa Tambo, Pamplona Camarines Sur

- Advertisement -

Isa and ideneklarang patay at anim naman ang sugatan sa karambola ng halos sampung sasakyan sa Barangay Tambo, Pamplona, Camarines Sur, Huwebes, Enero 7, 2021,bandang alas-dos ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Bebot Namalangkay y Andatuan, driver ng Suzuki motor na taga Z-68, Baseco, Brgy. 649, Port Area, Manila. Base sa sumuring doktor, dead on arrival na ito sa ospital dahil sa matinding tama nito sa katawan dulot ng pagkakaipit nito sa truck at sa puno ng Narra. Samantala, anim na katao pa, kabilang ang isang menor de edad ang naitalang nasugatan sa nangyaring aksidente na agad namang isinugod sa Bicol Medical Center para sa agarang lunas.

Ayon sa imbestigasyon,  lumalabas na ang minamanehong Isuzu Truck Giga ni Reynaldo Gaza y Mabeza, 44 anyos ng Daet, Camarines Norte ay nawalan ng preno habang binabaybay ang kahabaan ng Maharlika Highway papuntang northbound dahilan upang mabangga nito ang mga motorsiklo na bumangga naman sa iba pang sasakyan hanggang sa magkaroon na ng domino effect dahilan para magkaroon ng karambola ng mga sasakyan sa daan. Halos aabot sa sampung sasakyan ang nadamay sa aksidente.

Nasa kustodiya na ngayon ng Pamplona MPS ang drayber ng nasabing trak para sa masusing imbestigasyon.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -