Tuesday, May 7, 2024

EO sa water security ‘approved in principle’ na ni Pangulong Duterte ayon kay Nograles

- Advertisement -

Hawak na ni Executive Sec. Salvador Medialdea ang draft ng executive order para sa water security.

Ito’y ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles kung saan kinumpirma nitong “approved in principle” na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing executive order.

Nakapaloob sa naturang E.O ang master plan upang maresolba ang namumuong krisis sa tubig kabilang na ang naunang utos ng pangulo na i-repaso ang concession agreements sa Manila Water at Maynilad Water Services.

Tinutugunan rin ng nasabing E.O ang mga problema sa sewerage system, sanitation, irigasyon, pagbaha, at watershed management.

Paliwanag pa ni Nograles, nakapaloob rin aniya sa E.O ang pag re-constitute sa NWRB o National Water Resources Board upang gawin itong isang departamento na magiging responsable sa lahat ng hakbang ng pamahalaan na may kaugnayan sa tubig.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img