Police officer patay sa buy bust ops sa Zamboanga del Norte

0
47

Patay sa buy bust operations ang isang opisyal ng pulisya sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Naka-transaksyon ng suspek na si Supt. Santiago Ilanan Rapiz, logistics officer ng Zamboanga del Norte Provincial Office ng PNP ang mga miyembro ng counter intelligence task force sa Andres Bonifacio College Compound nang makahalata di umano si Rapiz na mga kasamahan sa PNP ang kanyang katransaksyon at nagtangka itong tumakas kaya’t nagkaroon ng habulan.

Nang masukol, sa halip na sumuko ay pinaputukan ni Rapiz ang mga kapwa pulis at nagkapalitan na ng putok na siyang ikinasawi ng pulis.

Ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)