Isa pang Chinese vessel namataan sa West PH Sea

0
52

Isang Chinese research vessel ang namataan sa karagatan ng Pilipinas.

Ayon kay Ryan Martinson, assistant professor sa China Maritime Studies Institute, nag-operate ang Chinese Oceanographic Survey Ship Na Kexue (Ku-Shiye) malapit sa Mindanao noong Oktubre 25.

Posible aniyang ni-re-rekober ng barko sa sea floor ang kanilang mga equipment na ginamit sa research noong Pebrero.

Hindi pa kinukumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung humingi ng permit ang nasabing research ship na maglayag sa karagatan ng Pilipinas.