Duterte nakatakdang bumisita sa Mountain Province matapos ang landslide

0
55

Nakatakdang bumisita ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mountain Province matapos ang pagguho ng gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Second District Engineering Office.

Ito ang kinumpirma ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa distribusyon ng certificates of land ownership award sa agrarian reform beneficiaries sa Cagayan De Oro City.

Hindi nagtagal ang pangulo sa naturang aktibidad at agad nagpaalam sa mga benepisyaryo.

Walong bangkay na ang narerekober sa landslide area sa bayan ng Natonin, Mountain Province habang nasa dalawampu pa ang pinaghahanap.

Naganap ang trahedya sa kasagsagan ng malakas na pag-ulang dala ng bagyong Rosita.