Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pamamahagi ng mga ayuda at modernong makinaryang pangsakang nagkakahalaga ng mahigit P30 milyon sa lalawigan ng Camarines Sur nitong Agosto 23, 2025.
Nakipagpalitan din ng kuro-kuro ang Kalihim ukol sa mga hamon at isyung kinakaharap ng sektor ng agrikultura sa rehiyon.
Nakatanggap din ang 751 magsasaka ng palay ng P7,000 Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) bawat isa sa ginanap na aktibidad sa Cam. Sur Capitol Complex.
Bumisita din si Secretary Tiu Laurel sa ipinapatayong P500 milyong pisong Mega Cold Storage Facility sa Brgy. San Jose, Pili, Camarines Sur.
Source: DA RAFIS 5
