Iriga: Ziga-So, nanawagan sa mahigpit na paghahanda ng mga LGUs sab anta ng lahar

0
1

(Legazpi City, July 18, 2026) Nanawagan si 1st District Board Member Marian Caroline Ziga-So ng mas mahigpit na paghahanda at koordinasyon ng mga local government units dahil sa banta ng lahar dahil sa nalalapit na panahon ng tag-ulan at patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.

Inihayag niya ito sa kanyang privilege speech sa ika-49 na regular session ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay.

Ayon kay Ziga-So, mahalagang mapalakas ang kahandaan ng mga lokal na pamahalaan, lalo na ang mga nasa lugar na posibleng maapektuhan ng lahar.

Nanawagan din siya sa DOST-PHIVOLCS na palakasin ang pagbabahagi ng real-time na impormasyon, magsagawa ng mas detalyadong lahar hazard mapping, at pag-aralan ang pagtatayo ng satellite o field office sa Albay upang mapabilis ang pagbibigay ng babala sa mga residente.

Hinikayat din niya ang pagpapatupad ng pre-emptive evacuation ng mga LGUs kung kinakailangan, paghahanda ng relief goods, pagsasagawa ng community drills, at pagpapalakas ng koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya.

Dagdag pa ng opisyal, ang maagap na paghahanda at pagtutulungan ng mga ahensya at komunidad ay makatutulong sa pagprotekta sa buhay, at kabuhayan ng mga Albayano.

Source: Albay PIO

Leave a Reply