Iriga: Legazpi CPS, patuloy ang pagbabantay at pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa mga border control points

0
1

LOOK | Bilang tugon sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon na nananatili sa Alert Level 3, patuloy na nagpapanatili ang Legazpi City Police Station ng mahigpit na seguridad at tuloy-tuloy na pagbabantay sa mga Border Control Point sa Barangay Buyoan at Barangay Mabinit.

Layunin ng operasyong ito na mahigpit na ipatupad ang 6-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ), tiyakin ang maayos na regulasyon sa paggalaw ng mga tao at sasakyan, pigilan ang pagpasok sa mga ipinagbabawal na lugar, at mapangalagaan ang kaligtasan at seguridad ng mga residente, motorista, at iba pang mamamayang maaaring maapektuhan ng patuloy na aktibidad ng bulkan.

Sa pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na ahensya, nananatiling nakaalerto at handa ang Legazpi City Police Station sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa disaster response at public safety.

Source: PNP Legazpi City Police Station

Leave a Reply