Iriga: Soft Opening ng Batan Infirmary, kasado na bukas

    0
    2

    Kasado na bukas, ika-29 ng Abril, ang soft opening ng Batan Infirmary sa islang-bayan ng Rapu-Rapu.

    Matatandaang kahapon ng pormal nang nainstall ang 50 kVA na ALECO transformer at 75 kVA na generator set upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon sa naturang pasilidad.

    Bukod sa kuryente, naikabit na rin ang signage at mga medical equipment para sa x-ray, at iba pang laboratory services. Ayon kay Governor Noel Ebriega Rosal, layunin ng pagbubukas ng pasilidad na mailapit ang serbisyong-medikal sa mga residente, lalo na sa mga geographically isolated and disadvantaged areas.

    Kasabay ng soft-opening ang pagbubukas ng Outpatient Department, pharmacy at iba lang laboratory services upang maibsan ang gastusin sa pagpapagamot ng mga nasa islang-bayan.

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply