Monday, May 13, 2024

Iriga: Ranked 9 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Lagonoy, arestado

- Advertisement -

Arestado Ang tinguriang Ranked 9 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Lagonoy sa isinagawang Manhunt Operation ng Lagonoy Municipal Police Station sa Brgy. Sta. Cruz, Lagonoy, Camarines Sur.

Ayon kay Police Major ROMEO T RANARA, Chief of Police ng nasambit na himpilan na ang akusado ay 42 taong gulang, mangingisda, at residente ng Barangay Sta. Cruz, Lagonoy, Camarines Sur.

Ayon pa kay PMAJ Ranara, bandang 7:40 ng gabi ng naaresto ang akusado ng mga operatiba ng Lagonoy MPS katuwang ang 2nd PMFC, CSPPO sa pakikipag-ugnayan sa lokal na nasambit na barangay.

Ang akusado ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na ipinalabas ng RTC Branch 58 noong Ika-18 ng Oktubre taong 2017 na may nirekomendang pyansa sa halanga Php 200,000.00.

Sa kasalukuyan, ang nasabing akusado ay nasa kustodiya ng Lagonoy MPS para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.

Ang Lagonoy PNP ay patuloy sa pagtugis sa mga taong lumabag sa batas para sa kaligtasan ng mga mamamayan at katahimikan ng kanilang nasasakupan. (Jv Navarro Verdeflor Jr)

(Source: Lagonoy MPS CSPPO, photo credits to the owner)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -