Iriga: Virac PNP nakiisa sa “Pedal sa Kapwa” a Lenten Charity Drive

0
10

Nakiisa ang mga personahe ng Virac Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ. ROBERT KEVIN T. CAPARROSO, Chief of Police, sa isinagawang “Pedal sa Kapwa” a lenten charity drive na isinagawa sa Bayan ng Virac, Catanduanes.

Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ni Caritas Director Rev. Fr. Renato De La Rosa, Rev. Fr. Filbert Reyes, ICM Edna A. Bagadiong, at PIA Catanduanes sa ilalim ng pamumuno ni Most rev. Bishop Manolo A De Los Santos, D.D.

Layunin ng programang ito na matulungan at suportahan ang “Alay Kapwa” na programa ng Catholic Church thru Caritas Justice and Peace, Inc at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Ito ay tumutulong sa ating mga kababayan na magkaroon ng maayos na tirahan, sapat na edukasyon, atensyong pangkalusugan at iba pang pangangailanagan ng ating mga kababayan. (Jv Navarro Verdeflor Jr)

(Source: Virac Mps Catppo, photo credits to the owner)

Leave a Reply