Isang pagsaludo sa mga pulis na sina PSSG JOSEPH DULFO and PEMS FLORANTE ESPIRITU ng San Fernando Mps Csppo dahil wala pang isang minuto ay agad silang nakapagresponde sa isang babaeng nahimatay sa gilid ng kalsada sa Barangay Del Pilar, San Fernando, Camarines Sur matapos na tumawag sa 911 si Mr. Joe Caguimbal ng One News CamSur.
Ayon sa impormasyon, agad na tumawag siya sa 911 at agad namang may sumagot at mabilis na na-monitor ito ng San Fernando MPS kaya’t nakaabot agad sa lugar ang pulis na nakaduty at kanilang mabilis na dinala sa RHU ang babae.
Ang 911 five minutes response ay isa sa mga programa ni PNP Chief General Nicolas Torre III.
Source: PNP Kasurog Bicol
