Isang tunay na halimbawa ng malasakit at dedikasyon sa tungkulin ang ipinamalas ng mga tauhan ng Legazpi CPS sa pangunguna ni PLT MYRA BALAORO, Admin/HRDD PCO, matapos silang agarang tumugon sa panawagan ng tulong mula sa pamilya ng isang pasyente na bumiyahe pa mula sa isla ng Rapu-Rapu, Albay upang madala sa Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) para sa agarang medikal na atensyon.
Habang nagsasagawa ng regular na pagpapatrolya sa lungsod ngayong araw ng Nobyemre 10, 2025, pinara ng kamag-anak ng pasyente ang mobile patrol ng Legazpi CPS upang humingi ng tulong sa paghatid ng kanilang pasyente na kararating lamang sa pantalan sakay ng bangka mula sa Rapu-Rapu.
Agad na tumugon ang kapulisan ng Legazpi CPS katuwang ang ilang residente ng lugar sa pag buhat sa pasyente para maisakay sa mobile car. Sa pamamagitan ng kanilang maagap na aksyon, naihatid ng ligtas at maayos ang pasyente sa BRHMC at nabigyan ito ng kinakailangang medikal na atensyon.
Ang ipinamalas na kabutihang-loob ng mga pulis ay hindi lamang simpleng pagtupad sa tungkulin, kundi isang patunay ng serbisyong mabilis, tapat at nararamdaman.
Ang Legazpi City Police Station, sa pamumuno ni PLTCOL DOMINGO B TAPEL JR ay patuloy na magsusulong ng mga gawaing nagpapakita ng malasakit, pagtutulungan, at pagkakaisa tungo sa ligtas at maayos na pamayanan.
Source: Legazpi City Police Station
