Bilang tugon sa abalang dulot ng malawakang transport strike, inilunsad ng Pulis Legazpi sa pangunguna ni PLTCOL DOMINGO B TAPEL JR., Officer-in-Charge ng Legazpi City Police Station, ang programang Libreng Sakay para sa mga komyuter.
Saklaw ng ruta ang biyahe mula Rawis (Mariners) hanggang Bicol University Main Campus (vice versa).
Layon ng programang ito na matulungan ang mga mamamayan na makarating sa kanilang destinasyon nang ligtas, mabilis, at walang abala, lalo na sa gitna ng kakulangan ng pampublikong transportasyon.
Ang inisyatibo ay bahagi ng patuloy na serbisyong publiko ng PNP upang tiyakin ang kapakanan ng mamamayan sa panahon ng anumang krisis sa transportasyon.
Source: Legazpi City Police Station
