Iriga: Corn seed growers nagsanay sa Corn Seed Production at Certification

0
17

Upang maseguro ang kalidad ng binhing mais, isinagawa ng Corn Program ng DA Bicol ang 3-araw na training on Open Pollinated Variety (OPV) Corn Seed Production and Certification para sa mga Corn Seed Growers noong Setyembre 15–17, 2025 sa Naga City.

Mahigit 20 na magsasaka ng mais at mga kasapi ng kooperatiba mula sa Camarines Sur, Albay, Masbate, at Sorsogon. Naroon din ang mga kawani ng pananaliksik mula sa DA-Albay Experiment Station (AES); at Sorsogon Dairy Production and Technology Center (SDPTC).

Kabilang sa paksang tinalakay ng mga experts ng BPI – National Seed Quality Control Services (NSQCS) Region 5 ang:

-Climate outlook at pagpili ng NSIC-OPV seeds

-Integrated nutrient at pest management

-Cultural at post-harvest practices

-Seed testing, field inspection, at certification procedures

Nagtapos ang aktibidad sa field hands on training sa AES Tabaco City sa pamumuno ni Ronaldo B. Coprada, OIC Head ng ARDC- AES. Nadagdagan ang kaalaman ng mga corn seed hinggil sa varietal selection, germination testing, at seed quality evaluation.

Ayon kay Engr. Amabel Bomabase, patuloy ang DA sa pagbibigay ng ganitong pagsasanay upang mas mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng ating mga magsasaka, kooperatiba at DA staff tungo sa sustainable corn production. (Ulat ni Jomarie B. Lozada-AES| Kuhang larawan ni Angelica Pomay- AES)

Leave a Reply