29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Iriga: PRO5 patuloy sa paghahanda sa Halalan 2022; 231 na pulis sumailalim sa karagdagang pagsasanay

- Advertisement -

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City – Dalawang daan at tatlumpu’t isang (231) tauhan ng Police Regional Office 5 na kabilang sa Regional Headquarters Unit-Reactionary Standby Support Force (RHQ-RSSF) ang kasalukuyang sumailalim sa training upang mas hasain pa ang kanilang kapasidad upang siguraduhin ang kahandaan para sa nalalapit na Halalan sa Mayo 9, 2022.

Visit RPN DZKI Iriga

Ang training ay nahati sa apat na kategorya, ito ay ang Search and Rescue Operation; Emergency Medical Response; Response to Active Shooter; at Crowd Management. Ito ay nagsimula noong Abril 7, 2022 at nakatakdang magtapos sa darating ng Abril 29, 2022.

Ang pagsasanay na ito ay pagtugon at pagsuporta ng PNP Bicol sa pangunguna ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, RD sa ibinabang direktiba ng PNP NHQ sa pamumuno ni PGEN DIONARDO B CARLOS, CPNP.

Ang PNP Bicol katuwang ng Commission on Elections Regional Office 5 sa pagpapatupad ng panuntunan at batas na naglalayong magarantiya sa bawat Bicolano ang isang tapat, maayos at tapat ng pagboto.

Ang training na ito ay daan rin upang mas magampanan ng kapulisan ang sinumpaan nitong tungkulin at bigyan rin ng kapanatagan ang publiko mula sa karahasan at pananakot ng mga grupo sa panahon ng eleksyon.

Bukod dito, tinitiyak din ng PNP ang pagiging pantay, non-partisan, at pangingibabaw ng pagiging propesyunal sa usaping ito.

(Source: PRO5 Press Release)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -