Nagpatupad ng maximum deployment of personnel ang Police Regional Office 5 bilang pagtupad sa direktiba ni PBGEN Erosito N Miranda kaugnay ng pormal na pagbubukas ng Palarong Bicol 2026 na ginanap sa Bicol University Oval Grounds sa Legazpi City ngayong araw, Marso 1, 2026.
Layunin ng malawakang deployment na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng kalahok, kabilang ang mga mag-aaral, coaches, opisyal, delegado, at mga manonood mula sa labintatlong (13) Schools Division ng Rehiyong Bicol na nakibahagi sa nasabing panrehiyong palaro. Inaasahan ang pagdagsa ng malaking bilang ng mga atleta at bisita, kaya’t ipinatupad ang komprehensibong security plan upang maiwasan ang anumang insidente na maaaring makaapekto sa maayos na takbo ng aktibidad.
Bukod sa maximum deployment, nagpatupad din ng mas pinaigting na police visibility operations sa loob at paligid ng venue at iba pang strategic areas. Nagsagawa rin ng checkpoint operations sa mga pangunahing lansangan at entry at exit points upang masiguro ang mahigpit na pagbabantay laban sa anumang banta sa seguridad. Nakahanda rin ang mga quick reaction teams at augmentation forces na agad na reresponde sakaling magkaroon ng emerhensiya.
Patuloy rin ang masinsinang intelligence monitoring at koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, event organizers, Bureau of Fire Protection, emergency medical teams, at iba pang concerned agencies upang matiyak ang maayos na daloy ng komunikasyon at mabilis na pagtugon sa anumang sitwasyon. Isinasagawa rin ang regular security assessment at area inspection upang maagap na matukoy at matugunan ang posibleng panganib.
Ayon kay PBGEN Miranda, ang mga hakbanging ito ay patunay ng seryosong pagtutok ng rehiyonal na kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, lalo na sa malalaking pampublikong pagtitipon.
Ang naturang hakbang ay alinsunod ng PNP Focused Agenda na nakatuon sa agresibong law enforcement, crime prevention, at community engagement. Tinitiyak ng PRO 5 sa publiko na mananatiling nakahanda ang kapulisan sa pagbibigay ng serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman upang masiguro ang isang ligtas at matagumpay na pagdaraos ng Palarong Bicol 2026.
Source: PNP Kasurog Bicol
