29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Iriga: Podcast based lesson innovation ng Ligao SDO, panalo bilang best educational innovation program

- Advertisement -

Nanalo ang Ligao City Schools Division sa isinagawang 2022 Edtech Awards Search for Best Educational Innovation Program ng Department of Education Bicol para sa kanilang entry na Podagogy: Utilization of Podcast Based Lessons (PDL) as a Supplemental Learning Delivery Modality.

Naisipan ni Dr. Joe-Bren Consuelo na siyang English Education Program Supervisor ng DepEd Ligao School Division Office ang paggawa ng podcast para sa English subject noong taong 2020. Nakuha niya raw ang ideya matapos daluhan ang mga workshops sa Stanford University bilang Fulbright Foreign Language Fellow.

“I was the one who conceptualized this innovation based from my workshops I attended before in Stanford University as a Fulbright Foreign Language Fellow. During the pandemic our SDO Ligao City can’t afford the TV based instruction and radio-based instructions due to meager fund since we are only a medium division.”

Marami din raw na magulang ang nagreklamo na hindi matutukan ang kanilang mga anak sa online learning dahil abala sila sa kanilang trabaho habang ang iba naman ay kapos rin sa kaalaman.

Ani Dr. Consuelo, nagsimula lamang sila sa apat na guro para sa English subject podcasting. Mayo 2020 nang simulan nila ang pagbuo ng framework para proyekto. Nauna nilang ginamit ang podcasting para sa mga mag-aaral ng Grade 1 hanggang Grade 10. Kinalaunan ay naisabay na rin nila ang mga estudyante ng senior high school at ngayong ay patuloy pang lumalaki ang kanilang Podcast-based lesson team sa Ligao City na meron nang 40 guro.

Malaking tulong raw sa mga bata ang PBL.

“Students’ critical thinking, listening skill and self-determined learning were developed through PBL, since they can easily replay the podcast. It allows them also to be flexible in learning the subjects.”

Gagamitin pa rin raw nila ang podcast-based lesson kahit na bumalik na sa face to face ang learning modality. Ngayong nasa blended learning sila ay kasama ito bilang supplemental learning tool.

Pinondohan na rin sila ng Deped Bicol para gumawa ng training sa 13 division offices sa Bicol. Maliban dito ay naimbitihan na rin sila para magsasagawa ng workshop para sa pagdevelop ng PDL ng ibang rehiyon gaya ng Nueva Ecija at Quezon.

Photo by: Deped Ligao SDO

Source: Bicol PH

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -