Iriga: PIA Chief leads oathtaking of Catanduanes barangay information officers

0
10

Pinangunahan ni Philippine Information Agency Director-General Katherine Chloe S. De Castro ang panunumpa ng mga barangay information officers sa Capitol Dome, Virac, Catanduanes, nitong Miyerkules, Agosto 20, 2025.

Ayon kay DG De Castro napakahalaga ng tungkulin ng mga barangay information officers bilang tagapaghatid ng tamang impormasyon sa kanilang komunidad.

“Kayo ang tulay sa pagitan ng tao at ng pamahalaan. Inaasahan kayo ng taumbayan na magbigay ng tamang impormasyon sa inyong mga komunidad,” saad ni De Castro.

Tinalakay sa aktibidad ang mahahalagang paksa tulad ng tungkulin ng mga naturang opisyal tulad ng pagbibigay-kaalaman sa panahon ng sakuna, at tamang pamamaraan ng paghahatid ng wasto at napapanahong impormasyon sa mga mamamayan.

Ang BION Summit 2025 sa Virac, Catanduanes ay bahagi ng mas pinaigting na programa ng pamahalaan na naglalayong hubugin at palakasin pa ang kakayahan ng mga barangay information officers sa pangunguna ng Presidential Communications Office sa pamamagitan ng Philippine Information Agency, katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes.

Mahigit 300 kalahok mula sa iba’t-ibang barangay sa probinsya ang dumalo sa kauna-unahang BION Summit sa Bicol region.

Source: PIA Bicol Region

Leave a Reply