Friday, May 17, 2024

Iriga: PGA Health and Wellness Week, umarangakada na

- Advertisement -

Simula na ngayong araw ang kabi-kabilang aktibidad ng mga empliyado ng Pamahalaang Lokal ng Albay kasabay ng selebrasyon sa PGA Health and Wellness Week.

Layunin ng nasabing pagtitipon na mabigyan ng atensiyon at palakasin ang physical at mental well-being ng bawat empliyado sa Kapitolyo.

Kabilang sa magiging highlights ng nasabing selebrasyon ay ang gagawing Walk and Exercise for Wellness sa Albay Provincial Wildlife Park (Dec. 13), Zumba Dance Fitness Activity sa PGA Atrium, Tree Planting and Greening Activity sa Basag, Ligao (Dec. 15), Stress Management Workshop (Dec. 12), at Wellness Raffle (Dec. 15).

Maliban sa iba’t-ibang aktibidad at seminars, may pagkakataon rin ang PGA employees para tutukan ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng free health servies at konsultasyon.

Isinagawa ang launching ng nasabing aktibidad sa flag raising ceremony kahapon ika-11 ng Disyembre kung saan inaasahan na magtatagal ito hanggang sa Biyernes, Disyembre 15, 2024.

(Source: Albay PIO, photo courtesy of PHRMO Albay)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -