Wednesday, July 24, 2024

Iriga: Pediatric Vaccination Sa Bicol Medical Center, Umarangkada Na

- Advertisement -

Naga City – Umarangkada na ang pagbabakuna sa nag-eedad 12 hanggang 17 sa Bicol Medical Center kahapon.

Inuna ng BMC ang mga kabilang sa A3 group o with comorbidity. 461 ang unang tinarget ; 185 sa mga ito ay mga menor de edad mula sa Pediatrics Department na inilista ng kanilang magulang. Habang ang 276 iba pa ay mga anak o kaanak ng mga empleyado ng BMC.

Visit RPN DZKI Iriga

Ayon kay Dr. Myla Baturiano, Chair ng BMC – Department of Pediatrics tiniyak nila na may sapat na kaalaman na ang mga magulang at mismong babakunahan sa posibleng reaction ng bakuna sa katawan.

Halimbawa na lamang ang 15-anyos na si Justine Tempas ng Canaman, Camarines Sur ikinuwento nito na sa una ay may pagdadalawang isip subalit nakita nya naman ang epekto ng bakuna sa kanilang fully vaccinated na mga magulang.

Ayon sa ina nito bilang Pharmacist, marami silang nakakasalamuha araw-araw kaya delikado para sa anak nitong si Justine na epileptic mabuti aniya ngayon ay bakunado na laban sa laban sa COVID-19.

Samantala, sa Naga City kahapon sana Biyernes ang nakatakdahang bakunahan sa parehong age group tulad ng sinabi ni Liga President Dodit Beltran subalit hindi lamang silang mga barangay officials ang pinulong sa pangunguna ni Mayor Nelson Legacion bagkus pati mga School Heads, plano kasing kung saan enrolled doon na rin babakunahan.

Pinaplantsa pa ng maiigi ang pagbabakuna sa 12-17 anyos.

(Source: BNFM Naga | Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -