Mahigpit pa ring ipinagbabawal sa publiko ang pagpasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Mayon sa Albay, ito’y kahit ibinaba na sa Alert Level 1 ang status ng nasabing bulkan.
Babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), mapanganib pa rin ang pagpasok sa PDZ dahil hindi pa nila isinasantabi ang posibilidad na magkaroon ng biglaang pagputok ang bulkan.
Maging ang pagpalipad ng sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng Mayon, ay mahigpit ring ipinagbabawal ayon sa ahensya.
Matatandaang ibinaba na sa Alert Level 1 ang status ng bulkang Mayon matapos makitaan ng tuloy-tuloy nq pagbaba ng aktibidad nito sa mga nagdaang linggo.
Nitong Marso 11 2024, nakapagtala ng isang rockfall event ang bulkan. (Emman Lumapag)
