35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Iriga: Kauna-unahang 4Ps Parent Leaders Assembly, isinagawa sa Tigaon, Camarines Sur

- Advertisement -

Matagumpay na isinigawa ang kauna-unahang Parent Leaders Assembly na dinaluhan ng 120 parent leaders ng nasabing bayan. Ito ay nakatuon sa mga paghahanda ukol sa peligro ng mga kalamidad at paghahalaga sa kalusugang pangkaisipan ng mga benepisyaryo ng 4P’s.

Sa unang bahagi ng aktibidad ay tinalakay ni Mr. Vincent Gumbo, Local Disaster Risk Reduction and Management Officer ang mga paghahanda sa kalamidad na sinundan ng isang diskusyon patungkol sa Mental health awareness na ibinahagi naman ni Mr. Mikko Villanueva, Municipal Social Welfare and Development Officer.

Ayon kay Villanueva, mahalagang mabigyan ng pansin ang mental health ng mga parent leaders dahil isa sila sa mga pangunahing katuwang ng programa at ng mga municipal link sa implementasyon ng 4P’s.

Sa huling bahagi ng aktibidad, isinigawa ang “Search for Parent Leader of 2023” at mga parangal sa mga leaders na nagpakita ng kanilang sipag at husay sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin sa programa. (Emman Lumapag)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -