Iriga: Pagdeklara ng state of calamity, irerekomenda sa Sangguniang Panlalawigan ng Albay

0
21

Hiniling ni Governor Noel Ebriega Rosal ang mabilis na aksyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay para magpasa ng resolusyon kaugnay ng pagsasailalim sa state of calamity ng lalawigan ng Albay.

Kasunod ito ng malawakang epekto ni Super Typhoon Uwan na nagdulot ng mga pagbaha, at landslide sa maraming lugar sa lalawigan.

Sakaling isailalim sa state of calamity, mas mapapabilis nito ang pag-mobilize ng mga local resources ng mga apektadong bayan at lungsod gayundin ng Pamahalaang Lokal ng Albay para sa recovery at rehabilitation efforts ng lalawigan.

Source: Albay PIO

Leave a Reply